^

PSN Palaro

Batang Gilas yukod sa Taiwan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nang maunahan ng Chinese-Taipei sa opeing period ay hindi na nakabangon ang Philippine team.

Yumukod ang Batang Gilas sa mga Taiwanese, 74-88, sa 2016 FIBA Asia U18 Championships sa Tehran, Iran.

Binanderahan ni Jonas Tibayan ang Nationals sa kanyang 15 points kasunod ang tig-9 markers nina Rendell Lee at JV Gallego ng tig-9 markers, habang ku­molekta si John Bryle Ba­hio ng 8 points at 8 rebounds sa kanilang laro sa Group A.

Nalimitahan ang Ba­tang Gilas sa 11 points sa ka­buuan ng second quarter at ibinaon ng mga Taiwa­nese sa halftime hawak ang 20-point lead, 49-29.

Mula sa 25-point deficit ay nakalapit ang Batang Gilas sa 71-83 sa huling 3:07 minuto ng laro mula sa inihulog na 10-2 bomba.

Subalit ang triple ng Chinese-Taipei ang nagpa­lamig sa mainit na pagba­ngon ng Nationals.

Target ng Batang Gilas na makaabante sa top three ng torneo para ma­kapaglaro sa 2017 FIBA World Under-19 Championship.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with