^

PSN Palaro

Altas niyanig ang Knights

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginulantang ng University of Perpetual Help System Dalta ang defen­ding champion Colegio de San Juan de Letran, 61-55, upang masungkit ang ikatlong panalo sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing liwanag si Bright Akhuetie na kumana ng 21 puntos, 16 rebounds at tatlong blocks habang nagtala sina Gab Daga­ngon at Jeffrey Coronel ng pinagsamang 27 puntos para  suportahan ang Altas.

“My job is to play. When I go in there, I try my best. It’s basketball, everyone should get chances. My teammates kept on saying to me that ‘we should get this, we should get this. They did not stop pushing me that’s why I wanted to give my best to make them happy,” wika ni Akhuetie.

Sumulong ang Altas sa 3-2 rekord habang luma­sap ang Knights ng ikalawang kabiguan sa anim na pagsalang.

Sa ikalawang laro, nanatiling mataas ang lipad ng Mapua Institute of Technology nang kubrahin nito ang 88-75 panalo laban sa San Sebastian tungo sa kanilang ikalimang panalo.

Limang Mapua players ang nagtala ng double di­gits sa pangunguna ni Exeqiel Biteng na may 19 puntos habang muling nagparamdam si reigning MVP Allwell Oraeme na may 13 puntos, 22 rebounds, limang assists at limang blocks.

Nagdagdag naman si Darell Menina ng 15 samantalang may 14 si Andrew Estrella at 12 si Joseph Eriobu.

Samantala, buma­ngon ang San Beda mula sa 22-point pagkakabaon para itakas ang 101-86 pananaig laban sa Arellano University, 101-86 sa ikatlong laro at manatiling walang talo matapos ang ika-6 na laro.

Perpetual Help 61 - Akhuetie 21, Dagangon 14, Coronel 13, Pido 7, Dizon 2, Singontiko 2, Eze 2, Hao 0, Oliveria 0, Sadiwa 0.

Letran 55 - Nambatac 19, Calvo 12, Apreku 6, Sollano 6, Quinto 6, Pambid 4, Dela Peña 2, Luib 0, Ambohot 0, Bernabe 0, Balanza 0.

Quarterscores: 6-9; 27-26; 46-44; 61-55.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with