^

PSN Palaro

Pinoy cagers biyaheng Taiwan ngayon, sasabak sa Jones Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang umalis ngayong araw ang Pinoy squad na sasabak sa 38th William Jones Cup na nakatakdang magsimula sa Linggo sa Taipei, Taiwan.

Hahataw sa hanay ng Pilipinas sina Jeric Teng, TY Tang, Sunday Salvacion, Larry Rodriguez, Edrick Ferrer at Fil-Am Jason Brickman kasama ang pitong reinforcements na pa­ngungunahan nina Korean Basketball League (KBL) veterans Dewarick Spencer at Troy Gillenwater.

“We are committed to play for Mighty Sports and we will give our best shot each game. We know how passionate Filipino fans when it comes to basketball so we’ll do our best not to disappointment them,” wika ni Spencer.

Aarangkada rin sina Al Thornton at Vernon Macklin na parehong nagpasiklab sa kani-kanilang koponan sa PBA.

Tumatak sa isip ng marami ang ginawang 69 puntos ni Thornton para sa NLEX Road Warriors habang ang dating NBA player na si Macklin ay naglaro para sa Barangay Ginebra.

Kasama rin sa koponan sina Zach Graham ng Air21 Express, Hamadi N’Diaye ng Mahindra Enforcers at Michael Singletary ng Barako Bull.

“If we can find the che­mistry early then we will have a good chance of winning the championship,” dagdag ni Gillenwater na may average na 26 puntos at siyam na rebounds para sa Changwon LG Sakers sa KBL.

Nais ng koponan na maibalik sa Pilipinas ang kampeonato na huling napagwagian noong 2012 edisyon nang sumabak ang Gilas Pilipinas.

Noong nakaraang taon, tumapos lamang sa ikalawa ang Pilipinas matapos yumuko sa Iran sa finals.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ang ikatlong may pinakamaraming kampeo­nato sa liga tangan ang apat na titulo.

Nangunguna ang Amerika na may 15 kasunod ang Iran na may lima. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with