Gilas ligtas sa pag-atake ng ISIS sa Istanbul airport
MANILA, Philippines – Ikinagulat ni naturalized player Andray Blatche ang biglaang pagbaha ng mga text sa kanyang cell phone ilang oras matapos dumating ang Gilas Pilipinas sa Manila mula sa Turkey noong Martes ng gabi.
“I’m really lost for words. I woke up to a lot of texts from friends checking on me. I’m ok. Thanx love ya!,” sabi n Blatche sa kanyang Instagram account post.
Ang dahilan nito ay ang pag-atake ng teroristang ISIS sa Istanbul International Airport kung saan 36 ang namatay at 88 ang nasugatan.
“Me and my teammates was just there. Wow. Thank you God for watching over us,” wika ni Blatche.
Nakaalis ang Gilas Pilipinas sa Istanbul airport halos limang oras bago umatake ang tatlong suicide bombers ng ISIS.
Nagmula ang Nationals sa isang three-week training camp sa Europe kung saan nila hinarap ang koponan ng Turkey sa Istanbul kamakailan at lumahok sa four-team, pocket tournament sa Bologna, Italy.
Bahagi ito ng kanilang paghahanda para sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
- Latest