^

PSN Palaro

PSL All-Filipino Conference: RC Cola-Army, F2 Logistics makikisalo uli sa unahan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling sososyo sa lide­rato ang RC Cola-Army at F2 Logistics na haharap sa magkahiwalay na bakbakan ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Lalarga ang Lady Troo­pers kontra Standard Insu­rance-Navy sa alas-6 ng gabi habang papalo ang Cargo Movers laban sa Generika sa alas-4 ng hapon.

Naiwan sa ikalawang puwesto ang RC Cola-Army at F2 Logistics na parehong may 2-0 marka matapos masolo ng nagdedepensang Petron ang unahan bunsod ng kanilang 25-14, 25-13, 25-27 pana­naig laban sa Cignal noong Martes.

Matikas ang RC Cola-Army na nananatiling numero unong paboritong magkampeon sa edisyong ito dahil sa kanilang solidong lineup kasama pa ang malalim na karanasan.

Nangunguna na sina ve­teran setter Tina Salak, open hitters Rachel Ann Daquis at Honey Royse Tubino at uti­lity spiker Jovelyn Gonzaga.

Kitang-kita ito sa galaw ng Lady Troopers nang mabilis nitong patumbahin ang Amy’s Kitchen at Cignal sa kanilang unang dalawang laro.

“So far, I like what I’m seeing. Our attacks are getting stronger, our defense is getting tighter. I like where we are now and I like where we’re headed,” ani Lady Troopers coach Kungfu Reyes na dinala ang kanyang tropa sa PSL Invitational Cup title kamakailan.

Kaya’t kinakailangan ng Standard Insurance-Navy na ilabas ang buong lakas nito upang pigilan ang pag-atake ng Lady Troopers.

Magsisilbing kapitan ng Navy sina Pau Soriano, Nori Jane Diaz at Lilet Mabbayad kasama ang dating Adamson setter na si Janet Cerafica.

“We’re very familiar with Army. We just have to match their intensity if we want to pull an upset,” ani Standard Insurance-Navy coach Nene Ybanez-Chavez na mi­yembro ng koponan na huling nakasungkit ng ginto sa Southeast Asian Games noong 1993.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with