^

PSN Palaro

Air Force, BaliPure lumapit sa finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinuhos ng Bali Pure ang malamig na 25-20, 25-19, 26-24 panalo laban sa Pocari Sweat upang makalapit sa inaasam na puwesto sa finals ng Shakey’s V-League Season 13-Open Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Magandang regalo ito para kay three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na bumira ng 24 puntos upang tulungan ang Water Defen­ders na makaresbak mula sa kanilang masaklap na five-set loss sa Lady Warriors noong Sabado.

“Yung teamwork talaga ang nagpanalo sa amin and yung communication. We just adjust in every situation sa loob ng court, nag-uusap usap lang kami sa loob kung anong gagawin namin. Teamwork and communication talaga,” wika ni Valdez na nagdiwang ng kanyang ika-23 kaarawan kahapon.

Nakuha ng BaliPure ang 1-0 bentahe sa best-of-three semifinal series kung saan hangad nitong mawalis ang serye sa paglarga ng Game 2 sa Sabado sa parehong venue.

Sapat na suporta ang ibinigay ni reigning NCAA MVP Grethcel Soltones na pumalo ng 11 puntos gayundin si middle blocker Amy Ahomiro na nagrehistro ng pitong puntos kabilang ang game-winning service ace.

Tanging sina team captain Michele Gumabao at open spiker Elaine Kasilag ang nagsilbing liwanag sa panig ng Lady Warriors matapos tumipa ng tig-11 puntos habang nalimitahan sa walong puntos si Myla Pablo na isinugod sa ospital noong Martes ng gabi dahil sa pamamanhid ng katawan.

Sa unang laro, suwabe ang naging paglipad ng Air Force upang mabilis na isel­yo ang 25-20, 26-24, 26-24 panalo laban sa Laoag para makuha ang 1-0 bentahe sa kanilang sariling best-of-three semifinal series.

Nagsanib-puwersa sina Judy Ann Caballejo at Joy Cases na parehong sumundot ng 15 puntos katulong sina Jocemer Tapic at Mary Ann Pantino na may pinagsamang 23 puntos. upang buhatin ang Air Force sa matamis na pagresbak sa Power Smashers.

Sa Spikers’ Turf, isang hakbang na lang ang kaila­ngan ng Cignal at Air Force upang maiselyo ang best-of-three championship showdown matapos patumbahin ang kani-kanilang karibal sa semis.

Tinalo ng HD Spikers ang Sta. Elena Construction 25-22, 19-25, 25-22, 26-24 habang nanaig ang Jet Spi­­kers sa IME, 22-25, 25-18, 25-22, 25-23.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with