^

PSN Palaro

Private sector tatapikin ni Ramirez para palakasin ang Philippine sports

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kagaya noong 2005, tatapikin din ni incoming Phi­lippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez ang mga negosyante para makatulong sa kanilang programa.

Sa proyektong ‘Godfather’ scheme ni First Gentleman Mike Arroyo ay hinirang ang Pilipinas bilang overall champion ng Southeast Asian Games noong 2005.

Kaya naman kaagad gumawa ng hakbang si Ramirez, nagsilbing chairman ng PSC noong 2005 hanggang 2009, para makatuwang ang pribadong sektor.

“I have a scheduled meeting with two members of the private sector this Saturday,” wika ni Ramirez kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama sina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Charles Maxey at Fatima Celia Kiram.

Ang ‘Godfather’ program ni Arroyo ang nagbigay sa mga national athletes ng sapat na international training at competitions na nagbunga ng pagiging overall titlist ng bansa noong 2005 Manila SEAGames.

Sa kanyang muling paggiya sa sports agency ay nakatutok si Ramirez para sa kampanya ng bansa sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Maliban sa tulong ng mga negosyante, hahabulin din ni Ramirez ang hindi naibibigay na limang porsiyentong bahagi ng PSC sa monthly gross income ng Philippine Amusements and Gaming Corporation.

Samantala, nailatag na ni outgoing PSC chief Richie Garcia kay Ramirez at sa apat nitong bagong Commissioners ang kanilang mga ginawa at naiwang programa.

Kumpiyansa si Garcia na ipagpapatuloy ni Ramirez ang Batang Pinoy at Philippine National Games sa kanyang anim na taong panunungkulan sa PSC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with