^

PSN Palaro

Giyera sa semis hahataw na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hangad ng top seed Air Force na maipagpatuloy ang kanilang magandang ratsada laban sa Laoag habang muling magtutuos ang Pocari Sweat at Bali Pure sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference best-of-three semifinals ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakuha ng Jet Spikers ang unang puwesto sa semis matapos dispatsahin ang Pocari Lady Warriors, 20-25, 25-17 25-22, 25-15, noong Lunes kaya’t mataas ang kumpiyansa nito bago humarap sa Power Sma­shers sa alas-4 ng hapon.

Ngunit maganda rin ang inilalaro ng Laoag na buhat naman sa 25-21, 19-25, 25-22, 26-24 pananaig kontra sa University of the Philippines na siyang na­ging daan upang masikwat ang huling tiket sa semis.

Hawak din ng Laoag ang karangalan bilang tanging koponang nakatalo sa Air Force sa eliminasyon, 25-14, 25-23, 25-23.

At magandang moti­basyon ito para sa Jet Sp­ikers na makabawi sa pagkakataong ito.

“We’re going to use that as motivation when we play them in the semis,” ani Air Force coach Jasper Jimenez na aasa kina Jocemer Tapic, Joy Cases, Judy Ann Caballejo, May Ann Pantino at Wendy Anne Semana.

Tatapatan ito nina My­lene Paat, Jessica Galanza, Jovielyn Prado, Ka­therine Villegas, Wenneth Eulalio at Chie Saet para sa Power Smashers.

Gayunpaman, sesentro ang spot light sa muling pag­tutuos ng Pocari Sweat at Bali Pure matapos ang kanilang five-set marathon sa eliminasyon kung saan nanaig ang Lady Warriors.

Aarangkada para sa Pocari Sweat sina Myla Pablo at Elaine Kasilag na siyang nagdala sa kanilang koponan sa panalo laban sa Bali Pure habang makakatuwang ng dalawang open hitters sina Michele Gumabao, Desireee Dadang, Gyzelle Sy at Melissa Gohing.

Sa Spikers’ Turf semis, magtatagpo ang No. 1 Cignal at No. 4 Sta. Elena sa alas-10 ng umaga kasunod ang duwelo ng No. 2 Air Force at No. 3 Instituto Estetico Manila sa ala-una ng hapon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with