^

PSN Palaro

Hongitan umaasang mabibigyan ng wild card sa Rio

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si dating Pa­larong Pambansa multi-gold medalist Kareel Ho­ngitan na mabibiyayaan ito ng wild card sa archery competition ng 2016 Olympic Games na gaganapin sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto.

Bigo si Hongitan na makahirit ng tiket sa Rio Games matapos kapusin sa kanyang kampanya sa World Cup-Final Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Antalya, Turkey kamakailan kung saan u­mabot lamang ito sa fourth round.

Ngunit may tsansa pa itong makapaglaro sa Olympics dahil anim na slots pa--tatlo sa babae at tatlo sa lalaki--ang ipapamahagi ng World Archery Federation (WAF) upang makumpleto ang 128-man field.

Maaari pa itong madagdagan sa oras na may mag-backout na manla­larong nauna nang nagkwalipika o patawan ng diskwalipikasyon ng world governing body.

Inaasahang ilalabas na ng WAF ang pinal na listahan sa susunod na buwan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with