1,500 jins magsisipaan sa PLDT-MVPSF National Poomsae Championships sa Jul. 26
MANILA, Philippines - Paglalabanan ng halos 1,500 taekwondo practitioners mula sa iba’t ibang rehiyon ang apat na events --ang individual colored belts at Blackbelt, free style at synchronized--sa 2016 PLDT Home Ultera/MVP Sports Foundation National Taekwondo Poomsae Championships.
Nakatakda ang torneo sa July 26 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang one-day event ay itinataguyod ng SMART Communications Inc., MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Tourism Promotion Board at Meralco Foundation.
Kakatawanin ng mga kalahok ang kanilang mga rehiyon kagaya ng ARMM, CAR, CARAGA at NCR.
Ang mga chapters na magsasali ng kanilang mga atleta ay ang Central Gymnasium, Powerflex, Ateneo, San Sebastian College, University of the Philippines, San Beda College, De La Salle Zobel, De La Salle University, More, Obelisk Gymnasium, Team Baguio, Pangasinan, Cebu, Bulacan, Nueva Ecija, UTA, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ipinapakita naman sa Poomsae (forms) ang iba’t ibang attack at defense techniques laban sa imaginary opponents.
Sa pamamagitan ng event ay maiintindihan at mapag-aaralan ng isang partisipante ang bawat aspeto ng martial art katulad ng basic technique, breathing control, balance, coordination at concentration.
- Latest