^

PSN Palaro

NCAA Season 92 tatalbog na Knights sisimulan ang depensa sa titulo vs Lions

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(MOA Arena, Pasay City)

12:30 p.m. Opening

Ceremonies

2 p.m. San Beda

vs Letran (Srs.)

4 p.m. Mapua

 vs Jose Rizal (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Simula na ng bakbakan tampok ang pinakamatitikas na players sa collegiate leagues sa bansa sa pag-arangkada ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Uumpisahan ng Colegio de San Juan de Letran ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pagsabak kontra San Beda College sa alas-2 habang magtutuos ang Mapua Institute of Technology at Jose Rizal University sa alas-4.

Isang magarbong ope­ning ceremonies naman ang ilalatag ng host San Beda na tatampukan ng makukulay na palabas at presentasyon habang ba­hagi rin ng programa ang pagbibigay-pugay kay basketball legend Carlos “Caloy” Loyzaga sa pamamagitan ng pagreretiro ng kanyang jersey number na 14 na kanyang ginamit nang naglalaro pa ito para sa San Beda noong dekada 50.

Bagong mukha ang ipaparada ng Letran dahil wala na ang kanilang dating mentor na si Aldin Ayo na kasalukuyan nang head coach ng De La Salle University kaya’t masusubukan ang husay ni Jeff Napa na siyang humalili sa puwesto ng una.

Tapos na rin ang pla­ying years nina Kevin Racal at Mark Cruz na may ma­laking kontribusyon upang maibalik sa kanilang teri­toryo ang kampeonato.

“The good thing about this team is that we have no superstars. It’s pro­bably good for us also that they’re not considering us a title threat, it challenges us more,” wika ni Napa na dinala sa tatlong kam­peonato ang NU Bullpups sa UAAP juniors.

Ngunit hindi naman nag-iisa ang Letran dahil mala­king butas din ang tinamo ng San Beda dahil sa pagkawala nina Ola A­deogun, Baser Amer, Arthur dela Cruz at Ryusei Koga.

Itinanggi ni San Beda mentor Jamike Jarin na isa ang kanyang koponan sa mga paborito ngunit nanindigan itong handang lumaban ang kanyang tropa sa kabila ng mala­king pagbabago sa kanilang rotation.

“I’m really surprised that we’re considered title favo­rites when we lost practically all our starters and our Defensive Player of the Year in Ola (Adeogun). But we’re thankful of the early accolades we’re getting and we hope to really do better this season and live up to their expectations,” ani Jarin.

Solido naman ang lineup ng Heavy Bombers at Cardinals kaya’t malaki rin ang tsansa ng dalawang koponan na makapagbigay ng sorpresa sa edisyong ito.

Sasabak para sa Jose Rizal sina Tey Tey Teodoro, Abdoul Poutouochi, Cris Jordan dela Paz, John Pontejos at AbdulRazak AbdulWahab laban sa Mapua na mamanduhan nina reigning MVP Allwell Oraeme, CJ Isit, Exeqiuel Biteng, Darrel Mennina, Justin Serrano, Denniel Aguirre, Andrew Estrella at Joseph Eriobu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with