^

PSN Palaro

Pocari, Bali Pure magkakasukutan na preview ng titular showdown?

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Philsports Arena)

 (Spikres’ Turf)

1 p.m.  Bounty Fresh

vs Navy

 (V-League)

4 p.m.  NU vs UP

6:30 p.m.  Pocari

vs BaliPure

 

MANILA, Philippines - Lalarga ngayong gabi ang inaabangang salpukan ng Pocari Sweat at BaliPure na tila isang pahiwatig ng posibleng finals showdown sa Shakey’s V-League Season 13 Open Conference.

Magtutuos ang Lady Warriors at Water Defen­ders sa alas-6:30 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City habang aarangkada naman sa unang laro sa alas-4 ng hapon ang duwelo ng National University at University of the Philippines na parehong naghahabol sa huling tiket sa Final Four.

Pasok na sa semis ang Pocari (5-0), BaliPure (5-1) at Air Force (5-1) ngunit wala sa isip ng tatlong koponan ang maging kampante dahil nais nitong madala ang magandang momento sa pagpasok sa Final Four.

Isang solidong lineup ang ipaparada ng Pocari dahil kumpirmado na ang muling paglalaro nina top hitters Michele Gumabao at Myla Pablo na pansa­mantalang nagpahinga dahil sa kani-kanilang iniindang injury.

Malaking tulong sa opensa ng Lady Warriors sina Gumabao at Pablo na may pinagsamang a­ve­rage na 32 puntos kada laro para sa kanilang tropa.

Maganda rin ang kontribusyon nina open hitter Elaine Kasilag, Siemens  Dadang at Lutgarda Malaluan gayundin nina reserve players Rossan Fajardo at Maricar Nepomuceno kasama pa ang beteranong setter na si Gyzelle Sy.

Sa kabilang banda, tiyak na sesentro ang atake ng BaliPure kina open spi­kers Alyssa Valdez at Grethcel Soltones na siyang may pinakamalala­king puntos na ibinibigay sa kanilang tropa.

Hahataw din sina Amy Ahomiro, Dzi Gervacio, Janine Marciano, Mae Tajima at sina ace setter Jem Ferrer at utility spiker Ella de Jesus na hindi nakapag­laro sa kanilang huling laban dahil sa kani-kanilang trabaho.

Kinakailangan naman ng Lady Bulldogs at Lady Maroons na maipanalo ang kanilang mga nala­labing laro para makahirit ng playoff para sa huling Final Four slot.

Kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto ang NU kasama ang Laoag Po­wer Smashers taglay ang parehong 3-3.

Ang UP ay nasa ika­anim bitbit ang 2-3 marka.

Nauna nang nagba­kasyon ang Iriga (1-6) at Baguio (0-7).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with