^

Bansa

Minority seat target ng UNA sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghahangad na rin ang ilang kongresista mula sa United Nationalist Alliance (UNA) na maupo bilang minority leader sa Kamara sa papasok na 17th Congress.

Ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, nais din niyang lumaban sa Speakership para magkaroon ng oportunidad na maging lider ng minorya sa Kongreso.

Samantala, nauna na ring nagdeklara ng interes na maging minority leader ang nagbabalik na si Quezon Rep. Danilo Suarez.

Gayunman, nilinaw ni Tiangco na hindi sila magtutunggali ni Suarez dahil sakaling mapagdesisyunan ng UNA na lumaban para sa minority leadership ay bubuo sila ng consensus sa kung sino sa kanilang dalawa ang lalaban para sa naturang posisyon.

Maaaring mangyari ito sa sandaling isapinal na ng UNA ang desisyon kung sasali sa minorya o sa mayorya ng Kamara.

Ang UNA ay may 9 na district congressmen at limang party-list representatives na ayaw umanong sumama sa mad rush ng mga politiko sa pagtalon sa bakod ng inaasahang susunod na  magiging speaker ng 17th Congress na si Davao Rep. Pantaleon Alvarez.

Paliwanag ni Tiangco, binibigyan pa nang tsansa ang kanilang miyembro na timbangin ang lahat bago sila magpulong para bumuo ng consensus bago magbukas ang 17th Congress.

vuukle comment

DONNIE NIETES

WBO JUNIOR FLYWEIGHT CHAMPION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with