^

Bansa

Digong ‘wag isnabin ang proklamasyon – Kongreso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon ang Kongreso at mamamayang Pilipino kay President-elect Rodrigo Duterte na huwag isnabin ang nakatakdang proklamas­yon nito ngayong araw sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang panawagan ay kasunod sa pahayag ni Duterte sa media sa Davao City kahapon ng madaling-araw na hindi niya sisiputin ang proklamasyon nito bilang nanalong pangulo at sa nanalong bise presidente na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa Kamara.

Ayon kay Duterte, hindi talaga siya dumadalo sa proklamasyon sa tanang buhay niya.

“I am not attending any proclamation. I have never attended any proclamation in my life,” ani Duterte.

Aniya, ang kanyang mga abogado na lamang ang kakatawan sa kanya sa proklamasyon ng national board of canvassers ngayong araw. “In all of my political aspirations, nanalo naman ako. Sabi ko nga baka God would want me to taste defeat but it never happened. Pero hindi bale, sa sugal talo naman ako parati so bawi lang din,” dagdag pa ni Duterte.

Sa kabila nito, umaasa ang mga opisyal ng Kongreso sa pangunguna nina House Speaker Feliciano Belmonte, Sen. Koko Pimentel at Senate President Franklin Drilon, at sa kampo ni Robredo na magbabago ang isip ni Duterte.

Ayon kay Belmonte, ang proklamasyon ng isang pangulo ay napaka-halagang bahagi ng halalan at para kay Duterte, simula na rin ito ng kanyang pagiging pangulo.

Iginiit ng Speaker, ito rin ang seselyo sa panalo at tagumpay ni Duterte sa nakalipas na halalan.

Sinabi naman ni Drilon na tradisyon na sa Kongreso ang pagdalo sa proklamasyon ng mga nanalong presidente at bise presidente. Ang Kongreso aniya ay isang institusyon na nagpapatibay sa demokrasya tulad sa pagpoproklama ng pangulo at pangalawang pangulo.

Gayunman, nilinaw ni Drilon na kung hindi talaga pupunta si Duterte sa proklamasyon ay walang legal na epekto ito sa pagka-panalo ng huli.

Ani Drilon, matapos ang official tally sa mga boto at ianunsyo ang pagkapanalo nina Duterte at Robredo noong Biyernes ng gabi, agad na nagpadala ang Kongreso ng pormal na imbitasyon sa dalawa upang dumalo sa proklamasyon ngayong Lunes.

Para naman kay Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, dapat  bigyan ng respeto ni Duterte ang Kongreso na nagsilbing board of canvassers at sa mahigit 16 milyong Pinoy na bomoto sa kanya. Aniya, minsan lang mangyayari sa buhay niya (Duterte) na maitaas ang kamay nito bilang nanalong presidente na “old tradition” o matagal nang nakagawian sa kasaysayan sa Kongreso na itinataas ang kamay ng mga nanalo sa halalan.

Iginiit ni Macalintal na masyadong madi-disappoint ang milyun-milyong bomoto kay Duterte kapag hindi siya dadalo sa proklamasyon. Aniya, ”once in a lifetime experience” lang ito para sa isang nanalong presidente na hindi dapat na palagpasin.

Samantala, idiniin ni Macalintal na wala nang makahahadlang pa sa proklamasyon ni Robredo kahit pa magtangkang pigilin ito ng kampo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos na natalo ng mahigit 263,473 boto laban sa una.

Una nang sinabi ng kampo ni Marcos na hindi nila hahadlangan ang proklamasyon ni Robredo bagaman pinag-aaralan na nila na dalhin ang kanilang reklamo sa Presidential Electoral Tribunal dahil sa umano’y mga iregularidad na nangyari sa halalan sanhi ng pagkatalo ng senador.

vuukle comment

2016 FIBA OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

GILAS PILIPINAS

TAB BALDWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with