^

PSN Palaro

Korona ng PSL Challenge Cup nakatakdang pag-agawan ngayon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaalaman na kung sino ang magrereyna sa 2016 Philippine Superliga Challenge Cup beach volleyball competition sa pagpalo ng semifinals at fi­nals ngayong araw sa SM By the Bay sa Mall of Asia sa Pasay City.

Magtutuos sa unang semis game ang Petron XCS nina Aiza Maizo-Pon­tillas at Bang Pineda at RC Cola-Army nina Jove­lyn Gonzaga at Nerissa Bau­tista sa alas:11:15 ng umaga kasunod ang laban nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng Far Eas­tern University kina Cher­ry Ann Rondina at Patty Orendain ng Foton sa alas-12:15 ng tanghali.

“Kailangan naming ma-minimize ‘yung errors na­min dahil semis na ito. Mas mabigat na ang laban. Iyong communication namin kailangan parating nandun para alam namin ang magiging galaw namin sa loob ng court,” wika ni Gon­zaga na nagmamay-ari ng tatlong Nestea Beach Volley National Finals titles.

Ang mga magwawagi sa semis ang siyang uusad sa finals na lalaruin sa alas-5:30 ng hapon, habang ang mga matatalo ay lalaban sa battle-for-third sa alas-4:15.

Aarangkada rin ang se­mis sa men’s division tam­pok ang pukpukan ng Philippine Navy-B nina Pajiji Alsali at Milover Parcon, at Team Volleyball Manila nina Kris Roy Guzman at Anthony Arbasto sa alas-9 ng umaga kasunod ang du­welo nina Madsairi Bura­­min at Roldan Medino ng Philippine Navy-A at nina Joel Cabayan at Franco Cam­cam ng Far Eastern University-A.

Ang finals sa men’s side ay idaraos sa alas-3:15 ng hapon.

Maliban sa semis at fi­nals, nakatakda rin ang clas­sification round sa umaga na magsisimula sa alas-7:30.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with