^

PSN Palaro

Nagmartsa sa ikalawang sunod na NBA Finals, Cavaliers hindi na nagpapigil sa Raptors

Pilipino Star Ngayon

TORONTO — Determinado na si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers na tapusin ang kanilang best-of-seven series ng Raptors.

Umabante ang Cavaliers sa kanilang ikalawang sunod na NBA Finals nang gibain ang Raptors, 113-87, sa Game 6 tampok ang 33 points ni James.

Nagdagdag si Kevin Love ng 20 points at 12 rebounds para tapusin ang kanilang Eastern Confe­rence finals series ng Raptors sa 4-2.

Maglalaro si James para sa kanyang ikaanim na su­nod na NBA Finals, kasama rito ang apat para sa Miami Heat.

Binura niya ang sariling 30-point barrier sa unang pagkakataon sa postseason at nagdagdag din ng 11 re­­bounds at 6 assists.

“I knew this was going to be tough game coming to this building -- I just had to bring my game, I had to be in attack mode from the beginning, trust my shots,” sabi ni James. “I knew once my shots started going in I could start getting my team-mates involved and they were able to carry me down the stretch.”

Ito ang ikatlong finals stint ng Cavaliers sa kanilang team history.

Nauna nang natalo ang Cleveland sa Golden State Warriors, 4-2, noong nakaraang taon at winalis naman ng San Antonio Spurs noong 2007.

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 30 points at may 15 si J.R. Smith para sa Cavaliers, lalabanan ang mananalo sa pagitan ng Warriors at Oklahoma City Thunder.

Layunin ng Cavs na wakasan ang 52-year championship drought ng Cleveland, ang pinakamatagal para sa isang lungsod na may tatlong professional teams.

Wala pang Cleveland team ang naghahari sa isang sport matapos walisin ng Browns ang Baltimore, 27-0, para sa NFL crown noong 1964.

Umiskor naman ni Kyle Lowry ng 35 points at may 20 si DeMar DeRozan para sa Raptors, nakabangon mula sa 0-2 pagkakaiwan nang manalo sa Games 3 at 4 sa Toronto.

Nakalapit ang Raptors sa 78-88 mula sa jumper ni DeRozan sa 10:23 minuto sa fourth quarter bago humataw si James ng 6 points mula sa inihulog na 14-3 bomba ibigay sa Cavaliers ang 102-81 bentahe sa hu­ling 6 minuto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with