^

PSN Palaro

Nietes itataya ang korona ngayon vs Garcia

Pilipino Star Ngayon

BACOLOD CITY, Philippines-- Nangako si World Boxing Organization (WBO) junior flyweight kingpin Donnie “Ahas” Nietes na bibigyan niya ng magandang ‘palabas’ ang mga kapwa niya Negrenses.

Itataya ni Nietes ang kanyang korona laban kay Mexican challenger Raul Garcia sa main event ng “Pinoy Pride 36: A Legend in the Making” ngayong gabi sa University of St. La Salle Coliseum.

Hangad ni Nietes na palawigin pa ang kanyang pagiging pinakamatagal na reigning world boxing champion sa siyam na taon.

Muling aakyat sa ibabaw ng ring ang tubong Murcia, Negros Occidental matapos umiskor ng unanimous victory laban kay Mexican Ramon Garcia -- ang kambal ni Raul--para sa 108-lbs belt noong 2011.

Sa naturang laban ay tila naubusan si Nietes ng hangin sa huling tatlong rounds.

“Nasa mindset ko ngayon, relax lang, wag magmamadali, wag lang maghanap ng knockout, pasensya lang,” wika ni Nietes.

Ayon pa sa 34-anyos na si Nietes (37-1-4, 21 KO), ang dating WBO at IBF minimumweight ruler na si Raul (36-3-1, 22 KO) ay ‘carbon copy’ ng kanyang kambal na si Ramon.

Kumpara sa laban niya kay Ramon, tiniyak ni Nietes na mas nasa kondisyon siya ngayon sa pagharap kay Raul.

“Talagang pinaghandaan namin ito, grabe ang training ko sa conditioning, strengthening; yung left hand ko dinedevelop din namin,” wika ni Nietes.

Samantala, lalabanan naman ni “King” Arthur Villanueva ng Bago City si Mexican Juan Jimenez para sa WBO Asia Pacific crown sa undercard, habang makakasagupa ni Milan “El Metodico” Melindo si Mexican Maximino Flores sa isang 10-round junior flyweight encounter.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with