^

PSN Palaro

Pacquiao tumanggi nang maglaro sa Rio Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang Manny Pacquiao na lalaban sa 2016 Rio Olympic Games.

Ito ay matapos magdesisyon ang eight-division world boxing champion na huwag nang sumabak sa Rio Games na gaganapin sa Agosto sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nais ni Pacquiao na isentro ang kanyang atensiyon sa pagbuo ng batas matapos magwagi bilang Senador sa katatapos na national elections.

Nakatanggap ng kumpirmasyon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) mula sa kampo ni Pacquiao upang ipaalam ang desisyon ng Pinoy champion.

“Last night, I received word from Team Pacquiao that Sen. Manny has decided to prioritize his legislative duties and begged off from the Olympics,” pahayag ni ABAP executive director Ed Picson.

Inirerespeto naman ng ABAP ang naging aksiyon ni Pacquiao na halos dalawang dekada ring binigyan ng karangalan ang bansa.

Sa katunayan, naibalik ni Pacquiao ang respeto ng buong mundo matapos pabagsakin ang mga kila­lang boksingero gaya nina Marco Antonio Barrera, Erik Morales at Golden Boy Oscar Dela Hoya.

“ABAP respects Sen. Manny’s decision and wi­shes him well in his work in the Senate,” ani Picson.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao ang kanyang pagreretiro matapos talunin si American Timothy Bradley via unanimous decision noong Abril.

Dalawang boksingero na ang nagkwalipika sa Rio Olympics. Ito ay sina Charly Suarez at Rogen Ladon na nakasiguro ng tiket noong Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament.

Inaasahang madaragdagan pa ito sa oras na sumabak ang iba pang miyembro ng national team sa AIBA World Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Hunyo sa Baku, Azerbaijan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with