^

PSN Palaro

Galang top pick ng F2 Logistics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanghal na top overall pick si dating UAAP MVP Ara Galang ng De La Salle University matapos itong kunin ng F2 Logistics sa Philippine Superliga (PSL) Annual Rookie Draft kahapon sa Music Hall Oval Venue sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Lubos ang kasiyahan ni Galang dahil makakasama nito sa Cargo Movers ang kanyang La Salle teammates partikular na sina Cha Cruz, Paneng Mercado, Aby Maraño, Mika Reyes, Cyd Demecillo at Kim Fajardo.

“Nakakataba ng puso. Kailangan kong suklian yung ibinigay nilang tiwala sa akin,” pahayag ni Galang.

Kinuha naman ng Petron Tri-Activ si dating NCAA MVP Christine Joy Rosario ng Arellano University bilang second pick habang third pick naman si Renelyn Ratera ng University of Mindanao na napunta sa Amy’s Perpetual.

“Sobrang saya ko lang na napili ako. Nakasama ko na rin sila last season, komportable ako sa Petron kaya sobra talaga yung saya ko na makakasama ko ang teammates ko,” ani Rosario na nakababatang kapatid ni Troy Rosario na magugunitang second pick rin sa PBA Rookie Draft noong nakaraang taon.

Ikaapat si Gen Casugod ng Far Eastern University para sa Generika kasunod si Mary Grace Berte ng Holy Cross of Davao para sa Cignal, Danna Henson ng Arellano para sa Foton at Jonah Sabete ng Bulacan State University para sa Standard Insurance-Navy.

Sa second round, nakuha sina Angelica Legacion ng Arellano para sa Generika, Marlyn Llgoso ng Southwestern University-Cebu para sa Cignal at Shirley Salamagos ng Arellano para sa Foton.

Orihinal na nakalista ang RC Cola-Army na unang koponang pipili sa draft subalit nagpasya itong huwag nang galawin ang kanilang lineup kaya’t wala itong kinuha kahit isang manlalaro sa draft.

Magsisimula ang PSL All-Filipino Conference sa Hunyo 18.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with