^

PSN Palaro

Fajardo injured, Lassiter may sakit: Baldwin problemado sa mga manlalaro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Olympic Qualifying Tournament ngunit wala pa ring solidong plano ang Gilas Pilipinas laban sa malalakas na koponang makakaharap nito sa Hulyo 5 hanggang 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi makatodo ang coaching staff sa ensayo dahil problemado ito sa kundisyon ng mga manlalaro nito.

Sapul nang pangalanan ang 24-man national pool, hindi pa nakumpleto sa ensayo ang Gilas Pilipinas.

Sa katunayan, panibagong dagok na naman ang nalasap ng koponan dahil sa iniindang karamdaman ng ilang miyembro ng koponan kabilang na si June Mar Fajardo na namamaga ang kanang tuhod.

Dumating sa ensayo ang 6-foot-10 na si Fajardo subalit hindi ito nakapag-training dahil sa kanyang injury. Hindi naman nakarating si Marcio Lassiter na may sakit gayundin si Jeff Chan na nagpapa­hinga dahil sa groin injury.

Nauna nang naalis sa koponan sina Greg Slaughter, Matt Ganuelas-Rosse at Paul Lee na may kani-kanyang injury.

Ang Gilas cadet na sina Mac Belo, Russell Escoto, Kevin Ferrer at Roger Pogoy kasama si Troy Rosario ay kasaluku­yang naglalaro sa SEABA Stankovic Cup sa Bangkok, Thailand.

Tanging sina Marc Pingris, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Moala Tautuaa, Jayson Castro, Ryan Reyes, LA Tenorio, Terrence Romeo, Calvin Abueva, Gabe Norwood at Bobby Ray Parks lamang ang nakapag-ensayo sa Meralco Gym.

Nakatakdang dumating si naturalized player Andray Blatche mula sa US upang makasama ng koponan sa training sessions. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with