^

PSN Palaro

Cavs nakaporma na sa NBA Finals, ‘Big Three' gumana

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND-- Muli na namang kumamada ang ‘Big Three’ ng Cavaliers.

Tumipa si Kevin Love ng 25 points, habang nagdagdag sina LeBron James at Kyrie Irving ng tig-23 markers para ihatid ang Cavaliers sa 116-78 paglampaso sa Toronto Raptors sa Game 5 at agawin ang 3-2 bentahe sa Eastern Conference finals.

“We gotta come out from the beginning and that starts with the Big Three,” wika ni James sa kanilang trio nina Love at Kyrie Irving.

“We’ll be much better.”

Naglista rin si James ng 8 assists at 6 rebounds sa loob ng 31 minuto hanggang tuluyan nang iupo sa third quarter kung saan ta­ngan ng Cavs ang 37-point lead.

Naupo lamang si James sa kabuuan ng fourth quarter, habang tinapos ng kanilang mga reserves ang paggiba sa Raptors.

Nagbalik sa kanilang home court matapos ang dalawang magkasunod na pagkatalo sa Canada, ipinoste ng Cavs ang 34-point lead sa first half at hindi na nilingon pa ang Raptors.

Puwede nang angkinin ng Cleveland ang kanilang ikalawang sunod na conference title at trip sa NBA Finals sa pamamagitan ng panalo sa Game Six sa Biyernes sa Toronto.

Nagtuwang sina James, Love at Irving sa pag-iskor ng 43 points para sa Cavaliers kumpara sa 34 ng buong Raptors sa first half.

“They kicked our butts, bottom line,” sabi ni Raptors coach Dwane Casey. “That’s been all three ballgames.”

Pinangunahan naman nina DeMar DeRozan at Kyle Lowry ang Toronto sa kanilang 14 at 13 points, ayon sa pagkakasunod, matapos humataw ng pinagsamang 67 points sa Game Four.

Nakakolekta lamang si Bismack Biyombo ng 4 rebounds matapos dumakma ng 40 board sa Game 3 at 4 sa Toronto.

Nagbalik naman si center Jonas Valanciunas, hindi nakita sa walong laro bunga ng sprained right ankle, sa line up ng Raptors at nagdagdag ng 9 points sa loob ng 18 minuto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with