^

PSN Palaro

2016 South Florida Open Taekwondo Championships: Pinoy jins ibinandera ni Domingo-Ryu

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumipa ng tatlong gintong medalya si dating Southeast Asian Games champion Veronica Domingo-Ryu upang pangunahan ang paghakot ng Pinoy jins ng walong ginto at apat na pilak sa 2016 South Florida Open Taek­wondo Championships na ginanap sa Everglades High School sa Florida, USA.

Walang umubra sa lakas na inilatag ni Domingo-Ryu nang pagreynahan ang women’s individual poomsae, ultra sparring at breaking events sa kanyang dibisyon.

“It was a great result. A lot of good jins were there but we’re happy that we were able to win medals. May magandang resulta yung pagsisikap namin sa training,” wika ni Domingo-Ryu na kamakailan lamang ay umani rin ng dalawang ginto at isang pilak sa 2016 Florida State Taekwondo Championships.

Humataw din ng da­lawang ginto si Michael John Bugarin sa sparring at breaking habang nagdagdag naman si George Arsenal ng isang ginto sa breaking at dalawang pilak sa poomsae at sparring.

Ang iba pang medalya ay nakamit nina Jan Mi­ckael Casaña na umani ng isang ginto sa poomsae at isang pilak sa sparring, at Edred Euly na may ginto sa poomsae at pilak sa sparring.

“Win or lose, what’s more important is the experience and friendships we have gained from this tournament. We would like to thank the organi­zers headed by tournament director Master Yu for the invitation and warm welcome,” wika ni team coach Angelito Ong.

Si Domingo-Ryu ay da­ting miyembro ng national team kung saan nagwagi ito ng tansong medalya sa 2012 Asian Games sa Busan, South Korea at 2006 edisyon sa Doha, Qatar.

Nakasungkit din ito ng ginto sa SEA Games noong 2001 sa Malaysia at 2003 sa Vietnam.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with