Baldwin sa Gilas: Yakapin ang disiplina sa sarili
MANILA, Philippines – Isang mahalagang bahagi ng pagsasanay ng Gilas Pilipinas ay ang “reformulation” process o simulation ng pagdaraanan ng mga players sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa MOA Arena sa July 5-10.
Ayon kay Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin, iba ang paglalaro sa isang liga kumpara sa torneo.
“The pace of going through a league is different than the pace of going through a tournament, where it’s do or die everyday,” wika ni Baldwin.
“You know, players get into habits, and we have to break those habits. We kind of call them tendencies, but they’re really bad habits, so some of that has to be broken down, and we have to reformulate that,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Baldwin na kailangang yakapin ng Gilas Pilipinas ang disiplina sa kanilang mga sarili para paghandaan ang mga bigating koponan sa pinakahuling qualifying event para sa Rio Olympics.
Para makapasok sa Olympic proper ay kailangan ng Gilas na magkampeon sa Manila OQT na lalahukan din ng France, New Zealand, Turkey, Canada at Senegal.
“We’ve got to lift the tempo of everything that we do,” pagdidiin ni Baldwin, isang one-time Final Four finisher sa FIBA World Championship sa kanyang paggiya sa New Zealand team.
Ayon pa sa national coach, maaaring makapanggulat ang Gilas sa Manila QRT.
- Latest