Mighty Sports tatapusin na ang Jumbo Plastic
MANILA, Philippines – Pipilitin ng Mighty Sports na kumpletuhin ang kanilang ‘Cinderella Run’ sa PCBL Chairman’s Cup at maging unang guest team na nagkampeon.
Muling ipaparada ng Mighty Sports si Kiefer Ravena sa tangka nilang pagwalis sa inaugural staging champion Jumbo Plastic ngayong alas-7 ng gabi sa Game 2 ng kanilang best-of-three title series sa Marikina Sports Center.
Nakatakdang tanggapin ni Ravena ang Chairman’s Cup Most Valuable Player award sa Awarding Ceremonies matapos ang labanan para sa ikatlong puwesto sa pagitan ng Sta. Lucia Realty at Euro-Med sa alas-5 ng hapon.
Inaasahan ding mapapasakamay ni Bright Akuetie ng Mighty Sports ang Best Import plum.
Sinabi ni Mighty Sports coach Mike Fermin na dapat silang mag-focus sa laro para tuluyan nang walisin ang Jumbo Plastics sa serye sa torneong suportado ng Hahn Manila, Spalding, Leatherman, Ambucore, LGR at During’s Barbeque and Restaurant.
“We’ll go for it in Game 2. Kapag umabot pa yan ng Game 3, delikado na kami kasi veteran team yung Jumbo and naglaro na rin sila sa finals so mataas yung championship experience nila,” wika ni Fermin.
- Latest