^

PSN Palaro

Gonzaga-Bautista duo makakaliskisan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unang mapapalaban ang mga paboritong pares sa pagsisimula ng bakbakan ngayong umaga sa 2016 Philippine Superliga (PSL) Challenge Cup beach volleyball tournament sa Sands at SM By the Bay sa Mall of Asia, Pasay City.

Magsisimula ang salpukan ng mahuhusay na beach volleyball sa bansa sa alas-7:30 ng umaga tampok sina Jovelyn Gonzaga at Nene Bautista ng RC Cola-Army A, Cherry Rondina at Patty Orendain ng Foton, Danika Gendrauli at Aby Maraño ng F2 Logistics, Bang Pineda at Aiza Pontillas ng Petron XCS at Maica Morada at Frances Molina ng Petron Sprint 4T.

Maghaharap ang RC Cola-Army B at UE-Manila kasunod ang duwelo ng Petron Sprint 4T at Standard Navy Insurance-B; Foton at Accel Quantum Plus; Meralco at FEU-Petron; Petron XCS at Mapua; Standard Navy Insurance A at RC Cola-Army B; at Meralco at Cignal Team Awesome.

Muling magbabalik ang FEU-Petron sa hapon sa pakikipagtipan nito sa RC Cola-Army A habang sasa­gupain naman ng F2 Logistics ang Petron Sprint 4T kasunod ang banggaan ng Foton at Mapua; Accel Quantum Plus at Petron XCS; at RC Cola-Army A at Cignal Team Awesome.

Isa sa pinakabeteranong beach volleyball player si Gonzaga na nagmamay-ari ng tatlong Nestea Beach Volley titles subalit wala aniyang puwang ang pagiging kampante sa torneo dahil malalakas ang mga koponang kasali sa edisyong ito.

“Matindi ang laban ngayon dahil halos lahat malaki yung chance na manalo. Kaya kailangan namin ng doble effort para makakuha ng panalo,” wika ni Gonzaga na bahagi ng RC Cola-Army na nagkampeon kamakailan sa Philippine Superliga indoor volleyball.

Aminado naman si Maraño na mabigat ang pa­saning maipagtanggol ang titulo dahil ito ang unang pagkakataon na makakatambal nito si Gendrauli.

Magugunitang kapares ni Gendrauli si Norie Jane Diaz nang magkampeon ito noong nakaraang taon.

Magsisimula naman ang men’s division sa susunod na linggo. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with