Dehesa dinala sa Batang Pier
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5 p.m. Alaska vs Rain or Shine (Game 2, Finals)
MANILA, Philippines - Bukod kina scoring guards Terrence Romeo at Stanley Pringle ay mahuhugutan din ng Batang Pier ng produksyon si Fil-Am outside sniper Karl Dehesa.
Ito ay matapos ang trade deal sa hanay ng Globalport, Mahindra at Blackwater kahapon.
Para mahugot si Dehesa, isang sophomore PBA player na naging ikatlong best local scorer ng Enforcers sa 2016 PBA Commissioner’s Cup sa kanyang average na 11.2 points, ay binitawan ng Batang Pier sina Paolo Taha at rookie Roi Sumang.
Nasangkot sa palitan ang Blackwater dahil sa kanila napunta si Sumang kasabay ng pagbibigay nila kay rookie guard Keith Agovida sa Mahindra.
Ang 6-foot-2 na si Dehesa ay mula sa Waldorf College at isang free agent acquisition ng Mahindra mula sa Asean Basketball League
Ang naturang three-team trade ay inaasahang aaprubahan ni PBA Commissioner Chito Narvasa.
Nauna nang nilagdaan ni Narvasa ang original deal na magdadala dapat kina Dehesa at rookie Mike DiGregorio mula sa Mahindra papunta sa Globalport kapalit nina Sumang, Taha at Jonathan Uyloan.
Ngunit sa huling minuto ay binawi ng Enforcers ang naturang trade dahil ayaw umano nilang pakawalan si DiGregorio.
Dahil sa bagong trade deal ay mananatili pa rin sina DiGregorio at Uyloan sa Mahindra at Globalport, ayon sa pagkakasunod.
- Latest