^

PSN Palaro

Diaz bubuhat sa Rio Olympics

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilabas na ng International Weightlifting Federation ang listahan ng mga bansang makasisiguro  ng tiket sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

At kasama ang Pilipinas sa mga nabiyayaan ng pu­­westo sa women’s 53-kilogram division sa ngalan ni two-time Olympian Hidilyn Diaz na nagpamalas ng impresibong kampanya sa Asian Weightlifting Cham­pionships kamakailan sa Tashkent, Uzbekistan.

Umani si Diaz ng isang pilak at dalawang tansong medalya sa naturang Asian meet.

Sa kasalukuyan, nasa ikaapat na puwesto si Diaz sa Olympic Qualification Ranking Lists. Mayroon itong 213 kgs. sa total - 96 kgs. sa snatch at 117 sa clean and jerk.

Nasilayan na sa aksiyon si Diaz noong 2008 edisyon sa Beijing, China nang tumapos ito sa ika-11 puwesto, at 2012 sa London, England kung saan hindi ito nakapuwesto matapos ang bigong pagtatangka sa clean and jerk.

Maliban sa Pilipinas, ginawaran din ng Olympic slots ang Vietnam, Uzbekistan, India, Mongolia at Turkmenis­tan sa women’s class habang nabiyayaan ng tiket sa men’s category ang Japan, Iraq, Malaysia, Kyrgyzstan, Syria, India at Turkmenistan.

Nakatakdang ihayag ng IWF ang opisyal na listahan ng mga papasok sa Rio Games sa Hunyo 20 kung saan padadalhan ng sulat ang Philippine Olympic Committee at Weighlifting Association of the Philippines bilang kumpirmasyon. Sa kasalukuyan, anim na atleta pa lamang ang nakasisiguro ng silya sa Rio Olympics.

Ito ay sina Rogen Ladon at Charly Suarez ng boxing, Kirstie Elaine Alora ng taekwondo, Ian Larriba ng table tennis, at sina Eric Shauwn Cray at Marestella Torres ng athletics.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with