^

PSN Palaro

Heat nakauna sa Raptors; 2-dikit sa Warriors

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, California - Nagpatuloy ang nagdedepensang Golden State sa kanilang mabangis na paglalaro sa kabila ng pagkawala ng kanilang leading scorer na si Stephen Curry.

Kumamada si Klay Thompson ng 27 puntos na tinampukan ng tres  na nagbigay sa Gol­den State sa kanilang unang bentahe sa hu­ling 5:33 minuto ng laro upang takasan ang Portland Trail Blazers sa 110-99 panalo nitong Martes at kunin ang 2-0 lead sa kanilang Wes­tern Confe­rence semifinal series.

Nagdagdag si Draymond  Green ng 17 puntos, bukod pa ang 14 rebounds, pitong assists at apat na blocked para punan ang patuloy na pagkawala ni Curry na nagkaroon ng injury na MCL sa kanang tuhod.

Ang tres ni Thompson sa huling 6:44 ang nagtabla sa iskor na hudyat para magdiwang ang mga manonood sa loob ng Oracle Arena nang makabangon ang  Warriors mula sa 17-point deficit.

Nakatakda ang Game Three sa Sabado sa bakuran ng Portland at inaasahang lalaro si Curry.

Tumapos si Damian Lillard ng 25 puntos at anim na assists habang nagdagdag si CJ McCollum ng 22 puntos para sa Portland kung saan umasinta ang  Blazers ng 13  triples.

Sa Toronto, umiskor si Goran Dragic ng 26 puntos, sumuporta naman si D­wyane Wade nang isalpak nito  ang pito sa kanyang 24 puntos sa overtime makaraan ang halfcourt shot ni Kyle Lowry na nagpatas ng iskor pagtunog ng buzzer ang nagligtas sa Miami Heat sa 102-96 pananaig laban sa Raptors sa pagbubukas ng kanilang Eastern Confe­rence semifinal series.

Ang pinakawalang tres ni Lowry sa halfcourt line ang siyang tuluyang tumagpas sa anim na puntos na paghahabol ng Raptors sa huling 20 segundo ng regulation.

Nakatakda ang Game Two sa Huwebes sa Toronto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with