^

PSN Palaro

Valdez pokus sa volleyball camp, lalaro rin sa SVL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ilulunsad ni three-time UAAP champion Alyssa Valdez ng Ateneo Lady Eagles ang Crosscourt Volleyball Skill Camp upang maibahagi ang kanyang kaalaman sa mga bagitong nangangarap maabot ang kanyang tinatamasang tagumpay.

Target ng naturang camp na dumayo sa iba’t ibang lugar para mabigyan ng tsansa ang mga nasa probinsya na makalahok sa mga aktibidad na nakalinya.

“We’re her to focus on the other side of me being able to help the sport of volleyball. We want to help reach out and promote. It’s right time to say thank you to all the supporters,” wika ni Valdez na handa nang ibuhos ang kanyang oras sa pagtulong matapos ang kanyang five-year playing eligibility sa UAAP.

Handa namang tumulong sa proyekto ang iba pang miyembro ng Lady Eagles kabilang na sina Amy Ahomiro, Ella De Jesus, Jhoanna Maraguinot at Bea De Leon gayundin ang iba pang sikat na manlalaro gaya nina Angge Tabaquero ng University of Santo Tomas, JV De Guzman ng College of Saint Benilde,  Shaya Adorador ng University of the East, at Kim Fajardo ng De La Salle University.

Ilan sa mga unang pag­darausan ng summer camp ang Cubao, Quezon City at Batangas kung saan lumaki si Valdez.

Muling tiniyak ni Valdez ang paglalaro nito sa Shakey’s V-League Open Conference na magsisi­mula sa Mayo 15 sa The Arena sa San Juan City.

Ngunit wala pang linaw kung saang koponan ito maglalaro matapos magpahayag ang kanyang da­ting team na PLDT Home Ultera na lumiban sa edis­yong ito ng liga.

Posibleng kunin ng Pocari Sweat at Philips Gold ang serbisyo nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with