^

PSN Palaro

Pacquiao-Mayweather 2 posibleng matuloy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong nagdeklara na si undefeated American Floyd Mayweather Jr. na handa itong bumalik sa ibabaw ng ring, muling umugong ang posibilidad na matuloy ang ikalawang pakikipagsagupaan nito kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ayon kay Dan Rafael ng ESPN, malaki ang tsansa na matuloy ang Pacquiao-Mayweather 2 matapos ang hindi kagandahang palabas na napanood ng milyun-milyon sa kanilang unang paghaharap noong nakaraang taon.

Marami ang nadismaya sa Pacquiao-Mayweather 1 dahil kulang umano ito sa aksiyon. Mas lalong dumami ang nainis matapos aminin ni Pacquiao na may iniinda itong injury sa balikat bago lumaban.

Subalit muling huma­nga ang sambayanan nang magtala ng unanimous decision win si Pacquiao kontra kay Timothy Bradley kamakailan kung saan dalawang beses nitong napataob ang Amerikanong boksingero.

Sa kabilang banda, inihayag ni Mayweather na babalik lamang ito sa boksing sa tonong “if the prize is right.”

Tumabo ng milyun-milyon ang unang paghaharap nina Pacquiao at Mayweather kung saan umabot sa $72.2 milyon ang kinita nito sa live gate habang may 4.4 milyon buys naman itong nakuha sa pay-per-view at $440 milyon sa sales.

Ngunit ang desisyon ay mananatili sa kampo ng magkabilang panig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with