^

PSN Palaro

4 na slot sa Rio Games inaasinta ng ABAP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Target ng Association of Boxing Alliances of the Phi­lippines (ABAP) na makakakuha ng apat pang slots sa Rio Olympics kaya’t pinaghahandaan ang dalawa pang Olympic qualifying tournaments na lalahukan ng mga boxers.

Puspusan na ang paghahanda ng Pambansang koponan para sa gaganaping AIBA World Women’s Championships sa Mayo 19 hanggang 27 sa Astana, Kazakhstan at sa AIBA World Men’s Olympic Qualifying Tournament na idaraos naman sa Hunyo 7 hanggang 19 sa Baku, Azerbaijan.

Dalawang boksingero pa lamang ang nakasisi­guro ng tiket sa Rio Games --sina lightflyweight Rogen Ladon at lightweight Charly Suarez na parehong nakasiguro ng pilak na medalya sa Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament kamakailan sa China.

Ipadadala sa World Women’s Championships sina Josie Gabuco (48 kgs.), Nesthy Petecio (51 kgs.) at Irish Magno (54 kgs.) habang masisilayan sa aksiyon sa World Men’s Olympic Qualifying sina bantamweight Mario Fernandez at welterweight Eumir Marcial at isa kina Ian Clark Bautista o Roldan Boncales sa flyweight.

Posible ring isabak ng ABAP si dating SEA Games gold medalist Dennis Galvan sa lightwelterweight --ang parehong dibisyon ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Subalit pag-aaralan pa ng ABAP kung tuluyang ipadadala si Galvan dahil nais muna ng asosasyon na maging bakante ang naturang dibisyon hangga’t wala pang pinal na desis­yon si Pacquiao na kasalukuyang abala pa sa kampanya.

Nauna nang inimbitahan ni AIBA President Dr. Ching Kuo Wu si Pacquiao upang lumaban sa Rio Olympics bilang wild card.

Ngunit wala pang malinaw na desisyon si Pacquiao na nagdeklara na ng pagreretiro matapos ang kanyang laban kay American Timothy Bradley noong Abril.

Sa kasalukuyan, may anim na atleta na ang pasok sa lineup ng Pilipinas para sa Rio Olympics.

Bukod kina Ladon at Suarez, kasama rin sina Kirstie Elaine Alora ng taek-wondo, Ian Larriba ng table tennis at Eric Shauwn Cray at Ma­restella Torres ng athletics.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with