^

PSN Palaro

Cavs sinilo ang Hawks sa Game 1; Thunder tumabla

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO - Muntik nang maipamigay ng Oklahoma City Thunder ang panalo sa Spurs kung tinawagan ng offensive foul si Dion Waiters sa huling 13.5 segundo sa laro.

Nagtala si Russell Westbrook ng 29 points at 10 assists para banderahan ang Thunder sa 98-97 panalo sa Game 2 para itabla ang kanilang Western Conference semifinals series sa 1-1.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 28 points para ipalasap ng Oklahoma City ang ikalawang home loss ng San Antonio ngayong season at makabangon mula sa 32-point loss sa Game 1.

Hawak ang 98-97 bentahe sa huling 13.5 segundo at wala ng timeout ang Thunder, nasiko ni Waiters si Manu Ginobili para sa kanilang inbound  play.

Ibinigay ni Waiters ang bola kay Durant na natapikan naman ni Danny Green kasunod ang mintis na tres ni Patty Mills.

Nakuha ni LaMarcus Aldridge ang airball at nawala kay Kawhi Leonard  ang bola kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Umiskor si Aldridge ng 41 points para sa Spurs at nalimitahan si Leonard sa 14 points mula sa 7-for-18 shooting, habang may 11 points si Ginobili.

Sa Cleveland, kumamada si LeBron James ng 25 points at may 21 markers si Kyrie Irving para igiya ang Cavaliers sa 104-93 panalo laban sa Atlanta Hawks sa opening game ng kanilang second-round Eastern Conference series.

Nakumpleto ni James ang isang three-point play sa huling 2:09 minuto ng fourth quarter matapos isuko ang 18-point lead sa second half.

Nauna nang winalis ng Cleveland ang Atlanta noong 2015 Eastern Conference finals at tinalo ang Hawks sa pang-walong sunod na pagkakataon.

Pinamunuan ni Dennis Schroder ang Hawks sa kanyang playoff career-high 27 points.

Nagdagdag si Paul Millsap ng 17 points at 13 rebounds para sa Atlanta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with