^

PSN Palaro

Air Force reyna ng Pista’y Dayat beach volley

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, PANGASINAN, Philippines-- Itinanghal na kampeon ang Air Force team nina Jennifer Manzano at Judy Ann Caballejo ng 2016 Pista’y Dayat beach volleyball competition  matapos igupo ang defen­ding champion team nina Jessa Aranda at Jonafer San Diego ng RTU, 21-15, 21-9 na ginanap sa Capitol beachfront dito

Ginamit nina Manzano at Caballejo ang kanilang height advantage at matagal nang pagsasama sa paglalaro ng volleyball laban kina Aranda at San Pedro upang makopo ang titulo at P20,000 na premyo sa dalawang araw na torneong ito tampok ang mga Pangasinan teams laban sa Manila teams para sa ikaanim na edisyon ng kompetisyong itinataguyod ni Gov. Bataoil.

“Happy na happy ako dahil nanalo kami in front of my kababayans, sobrang nakaka-proud,” pahayag ni Manzano na tubong Lingayen, Pangasinan at naglaro rin para sa La Salle Dasmariñas.

“Masaya ako dahil first time ko lang sumali rito tapos nanalo pa kami. Hindi ko alam na ganito pala karami ang nanonood ng beach volleyball dito,” pahayag naman ni Caballejo.

Pumasok sa finals ang Air Force, nanguna sa Manila division matapos magtala ng 3-0 record, nang kanilang talunin ang Pangasinan State University team nina Grachelle Ann Galico at Karen Mae Vinluan, 21-18 sa semifinals habang tinalo naman ng RTU ang LGU Lingayen team nina Joanne Marie Fernamndez at Hanna Relex, 21-8.

Nakuha naman ng LGU Lingayen ang konsolasyong ikatlong puwesto matapos igupo ang PSU, 21-1 sa kompetisyong bahagi ng pagdiriwang ng Lingayen bilang pasasalamat sa masagang ani mula sa karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with