^

PSN Palaro

Hinay-hinay Mark

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Gaya ng inasahan, pinatumba ni Nonito Donaire Jr. si Zsolt Bedak ng Hungary sa kanilang sagupaan sa harap ng mahigit 20,000 Cebuano fans nung Sabado sa Cebu City Sports Complex.

Tapos ang laban sa loob ng three rounds at nanati­ling WBO super-bantamweight champion si Donaire.

Ang hindi ko inasahan sa gabing iyon ay naganap sa laban ni Mark Magsayo kontra Chris Avalos ng California. Magaling si Avalos na dating lumaban para sa world title.

Pero hindi ko inasahan na tutumba si Magsayo.

Mainit ang simula ng batang Pinoy. Umusok at nagpasiklab.

Kaso nga lang, wild tumapon ng mga suntok. Walang control at malalayo ang suntok.

Parang nagsasalok ng tubig ang uppercut.

Madaling pumasok ang counter ni Avalos, na akala ko ay tutumba na sa second round. Sa third round, pinatumba niya si Magsayo.

Kambal na left hook ang tumama sa mukha ni Magsayo at napasadsad siyang paatras.

Alam mong bata at kulang sa experience dahil dali-daling tumayo. Nagulantang. Unang beses kasi niya nakatikim ng knockdown.

“Masakit pala,” sabi ni Magsayo.

Sa fourth round, nakabawi ng hininga si Magsayo. At sa panapos na fifth, muli siyang tumama. Groge ulit si Avalos at halos inakay sa kanyang blue corner.

Hindi nagtagal at tinigil ng referee ang laban sa sixth round.

Nanalo si Magsayo sa ngayon ay siyang WBO International featherweight champion at may hawak na 14-0 record, kasama ang 11 knockouts.

Maraming naniniwala na malayo ang mararating ni Magsayo.

Pero marami pang bigas na dapat kainin.

Unang-una, dapat maging patience siya sa loob ng ring. ‘Wag padalos-dalos dahil hangin ang sinusuntok. Open sa counter kapag nanggigigil na patumbahin ang kalaban.

Maging ang kanyang promoter na si Michael Aldeguer ay nagulat. Kasama sana siya sa Pinoy Pride U.S. sa July. Sabi ni Aldeguer, pahinga muna si Magsayo.

Back to the drawing board ika nga para mapag-aralan muli ang style niya.

Relax lang. Mahaba pa ang boxing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with