^

PSN Palaro

Paghihirap ng La Salle nagbunga--De Jesus

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mission accomplished!

Sapul na sapul ng De La Salle University ang kanilang target matapos pabagsakin ang Ateneo de Manila University upang matamis na maibalik sa kanilang teritoryo ang kampeonato sa UAAP women’s volleyball.

Dumaan sa matinding pagsubok ang Lady Spi­kers bago itakas ang 2-1 panalo sa serye.

Magaan na kinuha ng La Salle ang Game 1 sa iskor na 25-22, 25-22, 25-21 ngunit naitabla ng Ateneo ang serye sa bisa ng 18-25, 26-28, 25-17, 25-16, 15-11 panalo sa Game 2.

Sa rubber match, kina­ilangan ng Lady Spikers na bumangon mula sa pagkakalugmok sa first set bago hatakin ang 19-25, 25-21, 25-16, 25-16 panalo na siyang naging daan upang panain ang kanilang ikasiyam na korona sa liga.

Mahirap subalit sulit na sulit ang dugo’t pawis na kanilang ibinuhos partikular na sa mga gradua­ting pla­yers na sina Ara Galang, Mika Reyes, Cyd De­mecillo at Carol Cerveza dahil magarbong nagtapos ang kanilang collegiate career.

“Sobrang saya namin dahil nagawa namin yung target namin, yung maibalik sa amin yung title bago kami umalis kaya sobrang fulfilling ito para sa amin dahil maganda ang maiiwan namin sa team,” pahayag ni Galang na pinilit pa ring makapaglaro sa kabila ng iniindang pananakit ng katawan.

Magugunitang galing si Galang sa mahabang pahinga matapos magtamo ng ACL injury sa Final Four round noong nakaraang taon.

“Yung sakit hindi mo na mararamdaman kapag hawak mo na yung medal and trophy,” aniya.

Pinuri ni La Salle head coach Ramil De Jesus ang sakripisyo at determinasyon ng kanyang bataan na tunay na nagbuhos ng lakas upang makuha ang inaasam na tagumpay.

“Deserving talaga ang mga bata. Marami silang pinagdaanan bago namin makuha ito at masaya ako dahil nagbunga ang lahat ng paghihirap ng mga bata. Matagal din naming hinintay ito,” wika ni De Jesus.

Sa paglisan ng apat na manlalaro, malaking puwang ang mawawala sa koponan ngunit malalim ang bench ng Lady Spi­kers dahil maiiwan pa rin si Finals MVP Kim Dy na siyang inaasahang ma­ngunguna sa koponan sa susunod na taon.

Kasama pa si Best Setter Kim Fajardo, ang mahusay na  middle blocker na si Mary Joy Baron, utility Christine Soyud, outside spikers na sina May Luna at Ernestine Grace Tiamzon at ang Best Digger at Best Receiver awardee na si Dawn Macandili.

“Maiiba na ang first six pero andun pa rin sa mataas na level,” wika pa ni De Jesus.

Sa ngayon, nais munang ipagbunyi ng Lady Spikers ang kanilang tagumpay bago muling bumalik sa loob ng court upang paghandaan ang kanilang pagdepensa ng titulo sa susunod na edisyon ng liga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with