E-Painters sa finals pinagbakasyon na ang Beermen
MANILA, Philippines – Maski ang paghugot kay Arizona Reid ay hindi nakatulong sa Beermen para makapuwersa ng Game Five.
Mula sa dikitang first period ay lumayo ang Rain or Shine sa second quarter patungo sa 124-99 pagsibak sa San Miguel para angkinin ang unang championship berth sa 2016 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng Elasto Painters ang kanilang best-of-five semifinals series ng Beemen sa 3-1 para sa kanilang ikaanim na Finals stint at target ang ikalawang korona matapos magkampeon noong 2012 PBA Governor’s Cup.
“It’s a great feeling to be back in the Finals, especially beating a great team like San Miguel,” sabi ni coach Yeng Guiao. “We had a hard time beating this team last year with AZ (Reid).”
Nagtapos sa first period bitbit ang one-point lead, kumamada ang Rain or Shine sa second quarter para iposte ang 21-point lead, 61-40, laban sa San Miguel mula sa split ni Beau Belga bago ang halftime.
Itinala ng Elasto Painters ang 22-point advantage, 90-68, mula sa dalawang free thows ni Chris Tiu sa natitirang 38.3 segundo at sa 98-76 sa 9:49 minuto ng final canto.
Nagpilit naman sina Reid at Gabby Espinas na mailapit ang Beermen sa 82-98.
Ngunit sadyang determinado ang Rain or Shine na tapusin ang kanilang serye ng San Miguel, hangad ang ikatlong sunod na korona matapos magkampeon noong 2015 PBA Governor’s Cup at sa 2016 PBA Philippine Cup.
Bumandera si Paul Lee para sa balanseng atake ng Elasto Painters sa kanyang 18 points kasunod ang tig-15 ni import Pierre Henderson-Niles at Gabe Norwood, 13 ni Tiu, 12 ni Jericho Cruz at 10 ni Raymond Almazan.
Rain or Shine 124 - Lee 18, Henderson-Niles 15, Norwood 15, Tiu 13, Cruz 12, Almazan 10, Ahanmisi 9, Quiñahan 8, Chan 6, Ponferada 5, Belga 4, Ibañes 3, Nimes 2, Teng 2, Trollano 2.
San Miguel 99 - Reid 25, Lassiter 20, Cabagnot 18, Fajardo 12, Espinas 6, Ross 6, Santos 6, David 5, De Ocampo 1, Araña 0,.
Quarterscores: 23-22; 61-42; 92-70; 124-99.
- Latest