SCTEX pinigil ang Euro-Med; Foton wagi rin
MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng Biyaheng SCTEX ang kanilang arangkada sa PCBL Chairman’s Cup matapos lusutan ang Euro-Med, 70-67, para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa Marikina Sports Center.
Ito ang pang-pitong panalo sa 11 laro para sa Biyaheng SCTEX para makasosyo sa ikalawang puwesto ang inaugural staging champion Jumbo Plastic sa torneong suportado ng Hahn Manila, During’s Barbeque and Restaurant, Spalding, Ambucore, LGR at Gerry’s Grill.
Sumanal ang Biyaheng SCTEX kay ex-pro Pamboy Raymundo at Oping Sumalinog para makalayo sa Euro-Med.
Nagtuwang sina Raymundo at Sumalinog para sa maikling 6-0 atake na nagbigay sa Biyaheng SCTEX ng 67-63 abante sa huling 1:30 minuto kasunod ang technical foul kay Euro-Med coach Yong Garcia .
Naiwanan sa 63-68, umasa ang Euro-Med kay dating PBA guard Eloy Poligrates na nagsalpak ng isa sa dalawang free thow mula sa technical foul kina SCTEX coach Adonis Tierra at team manager Ronald Dulatre.
Ang transition basket ni Sumalinog ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Biyaheng SCTEX.
Tumapos ang 6-foot-2 swingman na may double-double performance sa kanyang 15 points at 10 rebounds at nagtala si Raymundo ng 13 points at 5 boards.
Samantala, tinapos ng Foton ang kanilang elimination round campaign sa 72-63 panalo laban sa Supremo Lex.
- Latest