^

PSN Palaro

Pinatalsik ang Clippers Blazers ikinasa ang semis vs Warriors

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Ore.- Itinakda na ng Trail Bla­zers ang kanilang semifinals series ng reigning NBA champion Golden State Warriors sa Linggo.

Umiskor si guard Damian Lillard ng 28 points at nagmartsa ang Trail Bla­zers sa Western Confe­rence semifinals matapos talunin ang Los Angeles Clippers, 106-103, sa Game 6 at tapusin ang kanilang first-round playoff series sa 4-2.

Nag-ambag si CJ McCollum ng 20 points para sa Blazers, naging unang koponan na nakaba­ngon mula sa 0-2 deficit makaraan ng Memphis Grizzlies laban sa Clippers sa first round  noong 2013.

Tumipa si Jamal Crawford ng 32 points sa panig ng Clippers kasunod ang 21 ni Austin Rivers na nag­laro sa kabila ng 11 tahi sa kanyang kaliwang mata matapos ang isang banggaan sa first quarter.

Hindi na nakabawi ang Clippers sa mga injuries kina Chris Paul at Blake Griffin sa Game 4 ng serye.

Sa kabila nito ay hindi kaagad sumuko ang Los Angeles sa final game kung saan hindi nila hinayaang makapagtala ang Portland ng double-digit lead.

Sa Charlotte, kuma­mada si Dwyane Wade ng 10 sa kanyang 23 points sa fourth quarter para igiya ang Miami Heat sa 97-90 panalo kontra sa Hornets at itabla sa 3-3 ang kanilang serye.

Nagdagdag si Luol Deng ng 21 points, habang naglista si Goran Dragic ng 14 points at 7 rebounds para sa Heat, pamamahalaan ang Game 7 sa Linggo.

Sa Sa Indianapolis, nagpsabog si Paul George ng 21 points, habang may 15 si Myles Turner para sa 101-83 pananaig ng In­diana Pacers laban sa Toronto Raptors at itulak ang Game Seven sa kanilang serye.

Ang Game 7 ay gagawin sa Toronto sa Linggo at ang mananalo ang papasok sa Eastern Conference  semifinals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with