^

PSN Palaro

Air Force, 3 pa pasok sa semis

Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, PANGA­SINAN, Philippines – Pinangunahan ng Air Force team nina Jennifer Manzano at Judy Caballejo ang apat na koponang pumasok sa semifinals matapos magposte ng malinis na 3-0 record upang pangunahan ang Manila teams  sa eliminations ng Pistay Dayat beach volleyball competition  kahapon na ginaganap sa Capitol beachfront dito.

Kasama ng AirForce team na pumasok sa semifinals ang  defending champion tandem nina Jessa Aranda at Jonafer San Pedro para sa dalawang araw na kompetisyon na main event ng festival na idinaraos bilang pasasa­lamat sa masaganang yaman na mula sa karagatan.

Ginamit nina Manzano at Caballejo ang malawak na karanasan sa paglalaro sa Shakey’s V-League at Philippine Superliga para sa Air Force upang makarating sa semifinals matapos talunin ang RTU, 21-18; PUP team nina Javen Sabas at Rhea Fermilan, 21-14 at  Mandaluyong team nina Jonella Mae Oribello at Jannelle Marie Labasan, 21-7 sa Manila vs Pangasinan tournament na ito na ginamitan ng double elimination format kung saan ang koponang matatalo ng dalawang beses ay sibak.

 Matapos yumukod sa Air Force, ginamit naman nina Aranda at  San Pedro ang kanilang championship experience upang talunin ang Mandaluyong, 21-7 at PUP, 21-14

Pasok na rin sa semis ang LGU Lingayen Team na may 3-0 kartada kasama ang Pangasinan State University matapos talunin ang Dagupan tandem nina Lourdes dela Cruz at Ma. Lyn Mahilum, 21-18 para sa 2-1 record. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with