^

PSN Palaro

Pinoy tracksters kumana ng 5 ginto sa Singapore Open

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humakot ng limang ginto, dalawang pilak at isang tanso ang national athletics team sa 78th Singapore Open Track and Field Championships na ginaganap sa National Stadium sa Kallang, Singapore.

Nanguna sa kampan­ya ng Pinoy tracksters si Ernest John Obiena na nagtala ng bagong rekord sa men’s pole vault event ng torneong may basbas ng International Athletics Associations Federation.

Nairehistro ng  21-an­yos na si Obiena ang im­pre­sibong 5.55 metro upang wasakin ang dalawang dekadang 5.40m dating marka ni Toshiyuki Hashioka ng Japan na naisumite noong 1992.

Binasag din ni Obiena ang kanyang sariling national record na 5.47m.

Tinalo ni Obiena sina silver medalist Hsieh Chia Han ng Chinese-Taipei (5.10m) at bronze winner Iskandar Alwi ng Malaysia (5.00m).

Nakasiguro rin ng gintong medalya si reigning Southeast Asian Games champion Christopher Ulboc Jr. na naghari sa kan­yang paboritong men’s 3,000 steeplechase event habang namayagpag naman si Edgardo Alejan Jr. sa men’s 400m dash.

Naorasan si Ulboc ng siyam na minuto at 36.23 segundo sapat para gapiin sina Singapore bets Chilton Ong (10:01.97) at Chong Qi Tan (10:02.91) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Hataw naman si Alejan matapos itarak ang 47.10 segundo laban sa puma­ngalawang si Mohammad Arif Zuhil Alet ng Malaysia na may 47.44 at puma­ngatlong si Alexander Carew ng Australia na may 47.54.

Hindi rin nagpahuli si Mervin Guarte na nakasiguro ng ginto sa men’s 1,500m run kung saan nagtala ito ng 4:02.72.

Nasa malayong ikalawa si Yook Geun Tae ng South Korea (4:05.39) at ikatlo si Dhasgman Thangavelu ng Singapore (4:07.49).

Ang ikalimang ginto ay ibinigay ni Rosie Villarito mula naman sa women’s javelin throw (43.61m).

Nagkasya lamang sa pilak si dating Asian Championship gold medalist Ma­restella Torres sa women’s long jump bunsod ng kanyang nakayanang 6.40m gayundin si Julian Reem Fuentes na sumegunda sa men’s long jump tangan ang 7.69m. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with