^

PSN Palaro

UAAP Finals live na eere sa ABS-CBN Sports+Action

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ihahatid ng ABS-CBN Sports ang dramatiko at maaksyong ‘winner-take-all’ match sa pagitan ng Ateneo De Manila University at De La Salle University sa UAAP women’s volleyball finals nang Live ngayong alas-3 ng hapon at ang telecast ng semifinals at finals ng Boracay leg ng Beach Volleyball Republic na magsisimula bukas sa ABS-CBN Sports + Action.

Muling lalabanan ng defending champion na Ateneo Lady Eagles ang kanilang karibal na De La Salle Lady Spikers sa huling pagkakataon ngayong taon.

Ito ang kanilang ika-li­mang bakbakan sa Finals ng UAAP women’s volleyball tournament at tiyak na ibubuhos lahat ng mga graduating seniors ang kanilang lakas para sa huling laro ng kanilang karera sa kolehiyo tulad ni 3-time MVP Alyssa Valdez at New Zealand native Amy Ahomiro ng Ateneo at sina Ara Galang, Mika Reyes, at Cyd Demecillo ng De La Salle kasama ang Season 78 Best Setter na si Kim Fajardo.

Makuha kaya ni Alyssa Valdez ang kanyang pa­ngatlo at huling korona? O makabawi na rin kaya sa wakas sina Ara Galang at Mika Reyes sa kanilang pagkatalo noong Season 76 at Season 77? Bakbakan na ngayon simula sa alas-3 ng hapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with