^

PSN Palaro

Beermen huhugot ng lakas kay Reid vs Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

5 p.m. San Miguel vs Rain or Shine (Game 4, semis)

MANILA, Philippines - Isang import na sumu­sunod sa game plan, matibay ang paniniwala sa team work at may professional work ethic.

Ito ang ipaparada ng San Miguel bukas.

Matapos sibakin si Tyler Wilkerson ay muling hi­nugot ng San Miguel si PBA Best Import Arizona Reid para sa Game Four ng kanilang best-of-five semifinals series ng Rain or Shine sa 2016 PBA Commissioner’s Cup.

“He’s the best available player right now,” sabi ni head coach Leo Austria sa PBA website ukol sa muling paglalaro ng 6-foot-4 na si Reid para sa Beermen.

Si Reid ay naging ma­laking bahagi ng pagkopo ng San Miguel sa korona ng 2015 PBA Governors’ Cup.

Pinatalsik ng Beermen ang 6’7 na si Wilkerson matapos itong makipagsagutan kay Austria sa 96-98 pagkatalo sa Elasto Pain­ters sa Game Two.

Ilang oras bago ang Game Three noong Huwebes ay nagdesisyon si Austria na huwag nang palaruin si Wilkerson, ang bumabandera para sa Best Import award.

Bagama’t walang import ay tinalo pa rin ng San Miguel ang Rain or Shine, 104-98, sa Game Three para makaiwas na mawalis sa kanilang semifinals showdown.

Ang pagdating ni Reid, dating import ng Elasto Painters, ang inaasahang magpapalakas sa tsansa ng Beermen na makatabla at makapuwersa ng ‘sudden death’ para sa championship ticket.

Nauna nang nakaba­ngon ang San Miguel mula sa 0-3 pagkakabaon ng Alaska sa kanilang best-of-seven championship series para angkinin ang sumunod na apat na laro at sikwatin ang titulo ng nakaraang 2016 PBA Phi­lippine Cup.

Samantala, kinuha ng Mahindra si conditioning at skills coach Chris Gavina bilang kapalit ng nagbitiw na si mentor Chito Victolero.

Ang Fil-American na si Gavina ay isang undrafted player noong 2003 PBA Rookie Draft.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with