^

PSN Palaro

Berde o Asul?

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Araneta)

3:30 p.m. Ateneo

vs La Salle (Women’s)

 

MANILA, Philippines - Asahan ang matin­ding pukpukan kasabay ng maalab na emosyon sa pag­larga ng rubber match ng nagdedepensang Ateneo de Manila University at De La Salle University sa UAAP Season 78 women’s volleyball finals ngayong hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakatakda ang muling pagtutuos ng Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-3:30 na inaasahang dudumugin ng libu-libong tagasuporta ng magkabilang panig.

Tabla ang best-of-three championship series sa 1-1.

Nagwagi ang La Salle sa Game 1 sa bisa ng agresibong 25-22, 25-22, 25-21 panalo.

Abot kamay na ng Lady Spikers ang korona nang umangat ito ng 2-0 sa Game 3 subalit hindi nawalan ng pag-asa ang Lady Eagles sa pangu­nguna ni three-time MVP Alyssa Valdez para hatakin ang 18-25, 26-28, 25-17, 25-16, 15-11 come-from-behind win sa Game 2.

Mataas ang moral ng Lady Eagles dahil hindi maitatangging pumanig sa kanila ang momentum. Ngunit wala sa isip ni Valdez ang maagang selebrasyon dahil hindi pa tapos ang laban.

“It’s not yet over. We still have this Game 3 and we need to get this. Kailangan na naming kalimutan lahat ng nangyari sa Game 1 and Game 2, kailangan yung focus namin nasa Game 3,” wika ni Valdez.

Nakasentro ang opensa ng Ateneo kay Valdez subalit mangangailangan ito ng solidong suporta mula kina Jhoana Maraguinot, Bea De Leon at Amy Ahomiro gayundin kina setter Jia Morado at libero Gizelle Tan.

Unti-unti nang nasosolusyunan ng Lady E­agles ang kanilang problema sa floor defense matapos makalikom ng 64 digs at 49 receptions sa Game 2.

“Tiwala ako sa teammates ko. Sama-sama kaming lalaban,” ani Valdez.

Sa kabilang banda, hangad ng Lady Spikers na makabalik sa porma matapos ang masaklap na kabiguan sa Game 2.

Magiging matatag na pundasyon ng La Salle ang malalim nitong karanasan tampok ang beteranong sina Kim Fajardo, Mika Reyes at Ara Galang. Palaban din ang sophomores na sina Kim Dy at Mary Joy Baron kasama pa ang reigning Best Digger at Best Receiver na si Dawn Macandili.

Binigyan din ng clea­rance si Galang na makapag­laro sa do-or-die.

Magugunitang hindi nakapaglaro si Galang sa unang bahagi ng fourth set matapos manakit ang kanyang kaliwang tuhod - ang parehong parte na nagtamo ng ACL injury noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ng pamunuan ng La Salle na wa­lang malalang nangyari kaya’t masisilayan ito sa aksyon kontra Lady Eagles.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with