^

PSN Palaro

Black nasandigan si Dillinger sa krusyal game

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Alaska vs Meralco (Game 3, semis)

MANILA, Philippines - Kung hindi nagpasabog si Meralco veteran Jared Dillinger ng tatlong three-point shots sa fourth quarter ay malamang na nakalapit na ang Alaska sa ikalawang sunod nilang final stint nga­yong season.

Kaya naman labis-labis ang pagpuri ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black sa kanyang Fil-American big guard matapos ang 92-87 panalo ng Bolts laban sa Aces sa Game Two noong Miyerkules na nagtabla sa kanilang semifinals series sa 1-1.

“I have to give a lot of credit to JD (Dillinger) for opening up the defense by hitting his outside shots,” wika ni Black.

Nakuha ang momen­tum, tatargetin ng Meralco ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-five semifinals duel ng Alaska sa Game Three ngayong alas-7 ng gabi para sa 2016 PBA Commissio­ner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang tinalo ng Aces ang Bolts sa Game One, 97-94.

Sa Game Two ay ki­na­ilangan ng Meralco na bumangon mula sa 14-point deficit sa fourth period sa pangunguna ni Dillinger para talunin ang Alaska.

“We’ve got to make the outside shots. We’ve got to shoot without hesitation as they’re really loading up on Arinze (Onuaku),” wika ni Dillinger, umiskor ng 13 points, tampok dito ang tatlong tres, sa final canto ng nasabing laro.

Humakot si Onuako ng 22 markers, 14 boards at 6 assists.

Inamin naman ni Aces’s mentor Alex Compton na may nagawa silang pagkakamali nang magsimulang bumangon ang Bolts.

Sa kabila ng kabiguan ay kumpiyansa pa rin si Compton na maaagaw nila ang Game Three para makalapit sa pangalawang sunod na finals appea­rance.

Natalo ang Alaska sa San Miguel sa nakaraang PBA Philippine Cup bagama’t nakapagtayo ng malaking 3-0 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with