^

PSN Palaro

Warriors umabante na

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, Calif. -- Bagama’t hindi naglaro si reigning NBA Most Va­luable Player Stephen Curry dahil sa injury ay nagawa pa rin ng nagdedepensang Golden State Warriors na umabante sa second round ng NBA Playoffs.

Umiskor si Klay Thompson ng 27 points, kasama rito ang pitong 3-pointers, para igiya ang Warriors sa second round ng playoffs mula sa 114-81 pagdurog sa Houston Rockets sa Game 5 para kumpletuhin ang kanilang 4-1 dominasyon sa serye.

Sinuportahan ni Curry, nakasuot ng brown sport coat, mula sa bench ang kanyang mga teammates.

Nauna nang nanaig ang Warriors na wala si Curry sa Game 2 kung saan nila tinalo ang Ro­ckets, 115-106.

Halos dalawang linggo ang ipapahinga ng NBA leading scorer dahil sa kanyang sprained MCL na nangyari matapos siyang madulas sa final play sa first half sa Game 4 noong Linggo.

Nag-ambag si Draymond Green ng 15 points, 9 rebounds at 8 assists para sa Warriors, lalabanan ang mananalo sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Portland Trail Blazers.

Hawak ng Portland ang 3-2 abante sa kanilang serye.

Si Thompson ang na­ging unang player sa NBA history na nagtala ng higit sa anim na tres sa magkasunod na playoff games, samantalang nag-ambag si Shaun Livingston ng 16 points para sa kanyang ikatlong sunod na double-digit performance.

Kumamada naman si James Harden ng 35 points para sa Rockets.

Sa Los Angeles,  umiskor si Damian Lillard ng kanyang unang basket sa kaagahan ng third quarter na nagsimula ng kanyang ratsada upang kumamada ng 16 sa kanyang 22 puntos sa fourth quarter tungo sa 108-98 panalo ng Bla­zers sa LA Clippers na di nakaasa kina Chris Paul at Blake Griffin.

Taglay ngayon ng Portland ang 3-2 kalamangan sa kanilang best-of-7 first round series sa Western Conference.

Sa Miami, umiskor si Courtney Lee ng tres sa huling 25.2 segundo ng laro na ikalawa lamang nito sa siyam na pagtatangka upang ilagay sa unahan ang Charlotte tungo sa 90-88 panalo kontra sa Heat upang kunin ang 3-2 kalamangan sa kanilang  Eastern Conference first-round series.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with