^

PSN Palaro

Raptors, Hawks umalagwa sa 3-2

Pilipino Star Ngayon

TORONTO - Ibinigay ni DeMar DeRozan ang hinihi­ngi sa kanya ng Raptors sa playoffs.

Umiskor si DeRozan ng 34 points para tulungan ang Toronto sa 102-99 paggiba sa Indiana Pacers at kunin ang 3-2 abante sa kanilang NBA first-round series.

Nakumpirma ang panalo ng Raptors nang ihayag ng mga opisyales na naipasok ni Solomon Hill ng Pa­cers ang kanya sanang game-tying 3-pointer matapos tumunog ang final buzzer.

“I just felt like my normal self,” sabi ni DeRozan, tumipa ng 21 for 71 fieldgoal shooting sa unang apat na laro sa serye bago magtala ng mas magandang 10 of 22 clip sa Game 5.

Nalampasan ng Raptors ang ginawang 39 points ni Paul George at ang isang 13-point deficit sa fourth quarter.

Nagdagdag si guard Kyle Lowry ng 14 points, habang nagposte si Bismack Biyombo ng 10 points at 16 rebounds para sa second-seeded Raptors.

Maaaring tapusin ng Toronto ang kanilang seven-game playoff series ng Pacers sa pamamagitan ng panalo sa Game 6 sa Indiana sa Biyernes.

Sa Atlanta, kinuha rin ng Atlanta Hawks ang 3-2 abante laban sa Boston Celtics sa kanilang serye nang iposte ang 110-83 tagumpay.

Umiskor ang Hawks ng 19 points sa gitna ng second quarter at kumamada ng 70 points sa second half para tuluyan nang gibain ang Celtics.

Matapos matalo ng dalawang sunod na Boston ay maaari nang isara ng Hawks ang kanilang serye ng Celtics sa Huwebes sa Boston.

Itinala ng Boston ang 29-19 abante sa first period bago nag-init ang Atlanta sa pagsalpak ng 11 sunod na baskets -- ang lima rito ay sa three-point line-- para agawin ang kontrol sa halftime.

Nagtala si Mike Scott ng 17 points, habang may tig-16 markers sina Kent Bazemore at Jeff Teague para sa Hawks.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with