^

PSN Palaro

Do-or-die nahirit ng Lady Eagles

Pilipino Star Ngayon

2-peat sa Blue Eagles

MANILA, Philippines – Buhay pa ang nagde­depensang Ateneo matapos dagitin ang pahirapang 18-25, 26-28, 25-17, 25-16, 15-11 panalo laban sa La Salle upang maipuwersa ang do-or-die kahapon sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hataw lang nang hataw si three-time MVP Alyssa Valdez na nakalikom ng 34 puntos tampok ang 32 sa attack line para tulu­ngan ang Lady Eagles na maitabla ang serye sa 1-1.

Ito ang matamis na pagresbak ng Ateneo matapos lasapin ang 25-22, 25-22, 25-21 kabiguan sa Game 1 noong Sabado.

Malaking tulong din ang suportang ibinigay nina Jhoana Maraguinot at Bea De Leon na kumana ng pinagsamang 27 puntos habang gumawa ng impresibong 70 excellent sets si Jia Morado at 19 digs si Gizelle Tan.

“Laban lang kami ng laban dahil wala nang bukas para sa amin. Teamwork really worked today. I r­eally admire my teammates ginawa namin ang best namin para makuha itong panalo,” wika ni Valdez.

Nakahugot ang La Salle ng 16 puntos kay Kim Dy, 14 kay Mika Reyes at 10 kay Ara Galang subalit hindi ito sapat para dalhin ang kanilang tropa sa korona.

Lalarga ang rubber match sa Sabado sa Smart-Araneta Coliseum.

“We’ll see each other on Saturday. La Salle will always be La Salle kaya for sure babawi yan. Gusto rin nila manalo. They will fight but we have to fight back,” dagdag ni Valdez.

Sa men’s division, pormal nang nasungkit ng Ateneo ang inaasam na back-to-back crown matapos paamuhin ang National University, 25-16, 25-20, 25-19 sa Game 2 ng kanilang sariling best-of-three finals series.

Humataw si Ysrael Wilson Marasigan ng 12 puntos habang nagdagdag si Season MVP Marck Jesus Espejo ng 11 puntos para dalhin ang Blue Eagles sa matamis na 2-0 sweep sa serye. Nauna nang nagwagi ang Ateneo sa Game 1 noong Sabado, 23-25, 25-20, 25-17, 25-18.

Engrandeng tinapos ni Marasigan ang kanyang playing years matapos tanghaling Finals MVP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with