^

PSN Palaro

Enforcers pinosasan ang Beermen sa Biñan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kaagad na kabiguan ang natikman ng Beermen sa kanilang unang pagsalang sa 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Pinaluhod ng Mahindra ang San Miguel, 102-96 tampok ang 26 points ni Aldrech Ramos para sa kanilang ikalawang panalo kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nagdagdag si point guard LA Revilla ng 19 markers, habang may 15 markers si Niño Canaleta na tinampukan ng isinalpak niyang tatlong sunod na three-pointers para sa 2-1 baraha ng Enforcers.

“Kung wala man sila sa kundiyson o timing, my players give their best (regardless),” sabi ni Mahindra coach Chito Victolero sa San Miguel ni mentor Leo Austria na nagmula sa paghahari sa nakaraang PBA Philippine Cup laban sa Alaska.

Kumolekta naman si import Augustus Gilchrist ng double-double sa kanyang 15 points at 13 rebounds at nagtala si Karl Dehesa ng 10 markers.

Ang pang-limang tres ni Ramos sa huling 47 segundo ang nagbigay sa Enforcers ng 51-45 abante sa halftime hanggang maagaw ng Beermen ang 86-84 abante sa fourth quarter.

Nagsalpak si Canaleta ng tatlong sunod na triple para muling ibigay sa Mahindra ang 93-86 bentahe kasunod ang 3-point play ni import Tyler Wilkerson para idikit ang San Miguel sa 93-96 agwat.

Tumipa si Ramos ng dalawang free throws na sinundan ng split ni Revilla para selyuhan ang panalo ng Enforcers sa huling 1:14 minuto ng laro.

Sa ikalawang laro, nagsalpak si point guard Kevin Alas ng dalawang krusyal na lay-up sa dulo ng final canto para tulungan ang NLEX na lusutan ang Star, 106-99  at ilista ang kanilang ikalawang panalo.

Mahindra 102 - Ramos 26, Revilla 19, Canaleta 15, Gilchrist 15, Dehesa 10, Guinto 9, Digregorio 4, Pinto 2, Yee 2, Webb 0, Jaime 0.

San Miguel 96 - Wilkerson 29, Santos 17, Lassiter 14, Arana 8, Fajardo 8, Ross 8, Heruela 5, Tubid 4, Espinas 3, Lutz 0, Reyes 0.

Quarterscores: 24-23; 51-45; 74-69; 102-96.

NLEX 106 - Thornton 35, Lanete 21, Taulava 14, J. Villanueva 12, Alas 10, Anthony 9, Enciso 3, Reyes 2,Borboran 0, Khobuntin 0, Wilson 0, E.Villanueva 0.

Star 99 - Bowles 30, Maliksi 21, Simon 21, Yap 10, Pingris 9, Barroca 6, Melton 2, Torres 0, Sangalang 0, Reavis 0, Pascual 0.

Quarterscores: 22-26; 50-55; 77-82; 106-99.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with