^

PSN Palaro

‘Palakasan system’ nais alisin ni Escudero

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para makamit ng bansa ang pinapangarap na gintong medalya sa Olympic Games ay dapat piliing mabuti ang mga atleta base sa kanilang performance at hindi sa pamamagitan ng ‘palakasan system’ bago isabak sa mga international competitions.

Ito ang pahayag kahapon ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero sa kanyang kahilingan na maging bukas ang National Games para matulungan ang Philippine Sports Commission (PSC) at mga National Sports Associations sa paghahanap ng mga batang atleta.

Sinabi ni Escudero sa harap ng mga estudyante at faculty sa kanyang pagbisita sa San Beda College na dapat palakasin ng PSC ang kanilang tatlong grassroots development programs.

Ang mga ito ay ang Batang Pinoy, Palarong Pambansa at ang Philippine National Games (PNG).

“These events are oftentimes overlapping in terms of participants, but emphasis should be given to the PNG especially since it should give equal opportunities to athletes who want to prove their mettle,” wika ni Escudero.

Idinagdag pa ng veteran Senator na ito na ang panahon para makuha ng Pilipinas ang kauna-unahang gold medal sa Olympics na idaraos sa Rio de Janeiro sa Brazil sa Agosto.

Ipinanukala niyang mag­karoon ng selection process para sa mga atleta sa pamamagitan ng open competition at supilin ang “palakasan system” sa loob ng mga NSAs na nagreresulta sa mga masasamang kampanya sa international sports competition.

Nauna nang sinabi ng Senador na susuportahan niya ang mga atletang lalahok sa Olympic qualifying events.

Kabilang dito sina boxers Clark Bautista, Felix Eumir Marcial at Roger Ladon; weightlifters Hidilyn Diaz at Nestor Colonia; pole-vaulter EJ Obiena at Filipino-American BMX rider Daniel Caluag.

Samantala, tinuligsa naman ni Escudero ang Philippine Olympic Committee dahil sa pagpapadala nito ng mas maraming opisyales kesa sa atleta sa mga international sports events.

Ang POC ay pinamumunuan ni Jose “Peping” Cojuangco Jr., ang tiyuhin ni Pangulong Aquino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with