Pagsibak kay Johnson walang due process-TNT
MANILA, Philippines – Nagkaroon ba ng due process nang pinatawan ni PBA commissioner Chito Narvasa ng lifetime ban si Talk ‘N Text import Ivan Johnson?
Ito ang tanong ng Tropang TNT management bagama’t tinanggap na nila ang naging desisyon ni Narvasa at kasalukuyan nang naghahanap ng kapalit ni Johnson.
“We’ll abide. We’re sending home Ivan Johnson but, still, the question is whether due process was observed,” wika ni TNT team manager Virgil Villavicencio. “The decision was handed out with the game still being played. Why the haste?”
Idinagdag ni Villavicencio na lubhang ikinadismaya ng upper management ng Tropang Texters ang biglaang desisyon ni Narvasa.
Kaagad pinatawan ni Narvasa ng lifetime ban si Johnson sa laro ng Talk ‘N Text at Meralco noong Sabado matapos siyang murahin ng import habang papalabas ng court. Bukod dito ay pinagmulta rin si Johnson ng P250,000.
“Did he really say the ‘F’ word to the commissioner? Did anybody else hear that? Or was he just saying the ‘F’ word to himself. We don’t know and we’ll never know,” ani Villavicencio.
Siya ang ikalawang import sa PBA na napatawan ng lifetime ban matapos si Renaldo Balkman ng San Miguel.
- Latest